Isang mapagpalang at pinagpalang araw po sa ating lahat!
Assalamu alaikum wa Raḥmatullahi wa Barakatuh.
First, please allow me to express my sincerest gratitude to everyone who made this purposeful campaign successful through their invaluable support—the Local Government of Quezon City, represented by City Administrator Michael Victor Alimurung; our very own DBM-National Capital Region, Region IV-A, Region IV-B, and Region V, together with our partner agencies, most especially the Department of the Interior and Local Government and the Philippine Information Agency; our partners from the Civil Society Organizations; our fellow public servants; and of course, our dear participants. Truly, this gathering is an embodiment of the essence of open government—ang pagkakaisa ng mga mamamayan upang makilahok tungo sa bukás at mabuting pamamahalang bayan.
Alam po ba ninyo na ang Pilipinas ay isa sa walong bansang nagtatag o founding member ng Open Government Partnership o OGP? At makalipas ang labindalawang taon mula nang sinimulan natin ang OGP, patuloy pa din ang ating pagsusumikap sa pagsulong ng open government o gobyernong walang tinatago.
Mapalad din po tayo dahil ang ating mahal na Pangulo—ang Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr.—ay sumusuporta sa ating adbokasiya ng Open Government. Under his supervision and administration, sa kauna-unahang pagkakataon, kahit na noong 2011 pa itinatag sa Pilipinas ang OGP, ay ngayon lamang nagkaroon ng institutionalization ng Open Government.
Nitong Hunyo ay inaprubahan na niya ang Executive Order (EO) No. 31 na nagmamandato o ini-institutionalize ang Philippine Open Government Partnership sa ating gobyerno.
Ibig po sabihin, lahat po ng sangay ng ating gobyerno ay kailangang maging bukas o transparent at isusulong ang pakikilahok ng taumbayan o ang tinatawag na public participation. Through EO 31, the Executive, Legislative, and Judicial branches—despite being independent of each other—are now working closely to synchronize and complement our open government initiatives. We will also integrate open government vertically, and bring PH-OGP to the local level through OGPinas.
Ito po ay itinuturing nating malaking tagumpay, hindi lamang po para sa PH-OGP Steering Committee, kundi para sa sambayanang Pilipino.
When we recently attended the 2023 OGP Global Summit in Tallinn, Estonia, we had the opportunity to personally meet and discuss our OGP efforts and initiatives with the OGP Chief Executive Officer himself, OGP CEO Sanjay Pradhan. Sa pagpupulong pong iyon, pinuri po ng OGP CEO ang Pilipinas sa pagiging trailblazer ng open governance sa Asya at maging sa buong mundo. Sinabi rin po niya na ang open government ay nakaukit na po sa DNA ng bawat Pilipino. I am proud to share that in the latest results of the Open Budget Survey, the Philippines was acknowledged as the leading country in the Southeast Asian Region for Public Participation in the budget process.
Napakarami po nating magagandang inisyatibo at pagsusumikap upang isulong ang bukás na pamamahala sa bansa. Hangad po natin na sa pamamagitan ng OGPinas, mailapit natin ang mga inisyatibong ito upang yakapin at mas lalo pa po nating mapagyaman. Tulad po ng sinabi ko sa Philippine Delegation sa Estonia, the Philippines must be THE example of open government.
So let us work harder and let us work together! Our mission here for OGPinas is to encourage and instill a culture of transparency, accountability, public participation, and overall, open government in the country.
Marahil, kayo po ay kawani ng gobyerno na nagnanais ng bukás at malinis na pamamahala; lider-estudyanteng hangad ang edukasyong bukás para sa lahat; miyembro ng civil society na layuning buksan ang mga pampublikong serbisyo sa mga sektor na kadalasang hindi natin naaabot; o mamamayang may gustong ipahayag sa ating gobyerno.
Anuman po ang dahilan ng inyong pakikilahok sa umagang ito, ang nais po naming ipahayag sa lahat ay may boses at mayroon din pong makikinig. Bawat isa po sa atin ay susi sa bukás na kinabukasan.
So maximize this opportunity. Engage in discussions and take up spaces. Make your voices heard.
Let us be empowered by our vision for an open government and let us empower others through this platform to make the changes we all desire for the betterment of our country—even beyond our Agenda for Prosperity.
Sa pagkakataong ito, makipag-usap, maki-diyalogo, makilahok, at sama-sama nating abutin ang pareho nating mithiin: isang Bagong Pilipinas na may nagniningning na kinabukasan para sa lahat.
Maraming salamat po at mabuhay po tayong lahat.
Wabillahi Tawfiq Wal Hidaya, Wasalamu alaikum wa rahmatullahi wa Barakatuhu.