Below is the speech delivered by DBM Secretary Benjamin E. Diokno at the Flag Raising Ceremony on the 119th Independence Day, June 12, 2017, in Calamba City, Laguna
The speech was delivered in Filipino. An English translation of the speech is included here.
TALUMPATI / MENSAHE
Benjamin E. Diokno
Kalihim ng Kagawaran sa Pagbabadyet at Pamamahala
Ika-119 na Taong Kasarinlan ng Pilipinas
Ika-12 ng Hunyo, 2017, Lunes, 7:00AM
Bulwagang Pampamahalaan ng Lungsod ng Calamba
Tema: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin
Punong Lungsod Justin Marc Chipeco at Pangalawang Punong Lungsod Roseller Rizal;
Sa mga kapwa kong lingkod bayan; mga kaibigan at panauhin;
Magandang umaga at maligayang ika-119 (isang daan at labing siyam) na Araw ng Kasarinlan. Ikinagagalak kong maging bahagi sa pagdiriwang ninyo dito sa Lungsod ng Calamba.
Malaya tayo ngayon dahil lumaban ang ating mga ninuno sa mga mananakop 119 taon na ang nakalilipas. Malaya tayo dahil nagkaisa at nakiisa sila upang matupad ang iisang layunin.
Ang kalayaang tinatamasa natin ngayon ay hindi basta-bastang binigay sa ating mga ninuno. Kumilos, lumaban, at nag-alay sila ng kanilang buhay upang maabot ito.
Tuwing araw ng ating kasarinlan, ipinapaalala sa atin nito na upang makamit ang tunay na kapayapaan at kasarinlan, hindi maaaring hindi tayo kumilos. Hindi tayo basta nakatayo lamang at nanonood, naghihintay kung anong mangyayari sa ating bansa.
Ang kalayaan ay may iba’t-ibang mukha. Kung noon ay ninais ng mga ninuno natin na makatamasa ng kalayaan mula sa mga dayuhang mananakop, ngayon, ang ating bansa ay nagnanais na makatamasa ng kalayaan mula sa kahirapan, kriminalidad, korapsyon, at marami pang ibang mga pagsubok na dala ng nagbabagong panahon.
At tulad ng ating mga ninuno noon, tayo ngayon ay lalaban sa iba’t-ibang mukha ng pananakop ngayon. Tulad nila, tayo ay magkakaisa at makikiisa sa pagabot natin sa ating layunin. Hindi tayo basta tatayo lamang at manonood, magihihintay sa kung anong gagawin ng iba, maghihintay sa kung ano’ng kahahantungan ng ating bansa. Kikilos tayo at lalaban sa kahirapan, kriminalidad, at korapsyon. Dahil ang kalayaan mula sa mga ito ay hindi basta-bastang ibibigay sa atin, kailangan natin ipaglaban ito.
Gusto kong samantalahin ang pagkakataong ito para maibahagi sa inyo ang ilan sa magagandang kaganapan na nagpapakita ng patuloy na pakikiisa at pakikipaglaban ng ating mga mamayan, mga lingkod bayan na tulad natin, at ng pamahalaan nitong mga nakaraang linggo.
Sa nakaraang pagpupulong ng Development Budget Coordination Committee o DBCC noong ika-9 (siyam) ng Hunyo, nakikitang magpapatuloy ang pag-akyat ng ating ekonomiya, ang matatag na pag-angkat natin, at inaasahan ding mapapabuti ang pag-export ng ating mga produkto.
Dagdag pa dito, mas napapabilis ang pag-unlad ng ekonomiya sa tulong ng expansionary fiscal policy ng ating gobyerno, gayun din ang mabilis at mahusay na paggastos para sa “Build, Build, Build” na programang pang-imprastraktura, mga programang pang-edukasyon at pang-kalusugan para sa mamamayan.
Makakaasa tayong walang magiging malaking balakid sa pag-unlad ng bansa sa mga susunod na taon. Tumaas man ang presyo ng mga bilihin, magiging maliliit lamang ang mga ito at hindi masyadong makakaapekto sa mga mamayan.
Sa susunod na taon, sa implementasyon ng unang tax reform package, itinatayang aangat sa P2.841 trilyon, o 16.3% ng GDP, ang revenues o kita ng pamahalaan. At habang tumatagal, mas lalo pang paghuhusayin ang ating revenue program, upang sa taong 2022, umabot sa P 4.504 trilyon ang malilikom na buwis ng pamahalaan.
Lalong palalakasin ng gobyerno ang mga programa at proyekto sa taong 2018, kaya’t itataas ang National Budget sa humigit-kumulang P3.767 trilyon, o kapantay ng 21.6% ng GDP. Ito ay mas mataas sa budget natin ngayong taong 2017 na P3.350 trilyon.
Sa pagpapatuloy ng pagtatayo at pagsasaayos ng mga imprastraktura sa buong bansa, mas pinataas ang budget para sa susunod na taon: P1.101 trilyon, o 6.3% ng GDP, higit na mas malaki sa budget natin ngayon na P847.2 bilyon na 5.3% ng GDP.
Maraming proyekto at mataas ang pangarap ng ating gobyerno pag dating sa imprastraktura ng bansa kaya’t habang papalapit ang taong 2022, mas lalong itataas natin ang budget para dito. Tinatayang aabot sa P1.840 trilyon ang gagamitin ng pamahalaan para maitayo lahat ng ipinangakong imprastraktura ng pamahalaan.
Isa ko pang nais ibalita sa inyo ay ang pagkakaroon ng draft Philippine National Action Plan. Simula nitong nakaraang Biyernes, ika-9 (siyam) ng Hunyo, maaari nang makita online ang draft Philippine Open Government Partnership National Action Plan.
Ang National Action Plan na ito ay naglalaman ng mga commitments, o pangakong tutuparin, ng ating gobyerno patungo sa tapat na pamamahala, pagbibigay boses sa publiko, paglaban sa korapsyon, at paggamit ng makabagong teknolohiya na tutulong sa maayos na pamamalakad ng ating gobyerno.
Inaanyahan ko kayo na tingnan at pag-aralan ang National Action Plan na ito. Kung may mga naiisip kayo na dapat idagdag sa ating mga commitment, ipagbigay alam niyo ito sa ating Philippine Open Government Partnership Secretariat.
Ilan lamang sa mga commitments para sa taong 2017 hanggang 2019 ay ang patuloy na pagpapalakas ng pakikiisa ng mamamayan sa local planning at delivery ng mga pangunahing pangangailan at mga serbisyo. Ito ay sa pamamagitan ng programang Assistance to Disadvantaged Municipalities at pinangungunahan ito ng Department of Interior and Local Government, o DILG.
Ang programang Gameplan on Competitiveness: Ease of Doing Business na pinangungunahan ng National Competitiveness Council, o NCC, ay naglalayong mapadali at mapabilis ang kalakaran dito sa ating bansa.
Layunin din natin na lalong paghusayin ang pagtugon ng gobyerno sa mga pangangailangan ng publiko. Mayroon tayong programang 8888 Citizen’s Complaint Center at pinamumunuan ito ng Tanggapan ng Kalihim ng Gabinete (Office of the Cabinet Secretary).
Ilan lamang iyan sa mga commitments na nilalaman ng ating 2017-2019 National Action Plan. Muli ay inaanyayahan ko kayong tingnan at suriin ang Action Plan na ito.
Nitong nakaraang Biyernes, siniguro tayo ni Brigadier General Padilla na patuloy ang ating mga sundalo sa kanilang pagpuksa sa mga miyembro ng Maute, at may malaking tsansa na tuluyan nang mapalaya ng ating AFP ang buong lungsod ng Marawi ngayong Araw ng Kasarinlan.
Napakahalaga para sa ating gobyerno ang pagtataguyod at pagpapanatili ng kapayapaan sa buong bansa. Paulit-ulit itong binibigyang diin ni Presidente Duterte dahil ito ang unang sinisiguro ng isang bansa kung nais nito ang kaunlaran.
Kaya’t sa oras na maibalik na ang kapayapaan sa Marawi, nandiyan at naghihintay lamang ang mga programa at proyektong tututok sa pagbabalik ng sigla sa Marawi, tulad ng PAMANA Program, o Payapa at Masaganang Pamayanan, na binigyan ng P8.1 bilyong budget ngayong taon. Ito ay maghahatid ng tulong pang-kaunlaran tulad ng imprastraktura sa mga komunidad, elektripikasyon ng mga tahanan at tanggapan, mga kalye at daanan, patubig sa mga palayan, at iba pang serbisyo.
Nitong ika-3 ng Mayo, naipasa na sa House of Representatives ang Tax Reform Package. Ito ay sa pangunguna nila Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III at Undersecretary Karl Kendrick Chua. Ipinakikita sa mabilis na pagpasa nitong Comprehensive Tax Reform na prayoridad ito ng ating pamahaalan.
Matagal nang nagtitiis ang mga mamayan natin sa makaluma at napagiiwanan na tax system. Sa Comprehensive Tax Reform Program, layunin ng pamahalaan na pataasin ang naiuuwing pera ng mga Pilipino at bigyan ng pagkakataon ang bawat mamamayan sa mahusay na edukasyon at iba pang serbisyo at oportunidad.
Sa pamamagitan ng Comprehensive Tax Reform Program, magiging mas simple ang pagtatakda kung magkano ang buwis, pati na rin ang pangungulekta nito. Bababa ang income tax ng nakararami at itatama ang income tax rate ng 1% na mayayaman o mas nakaaangat na mga Pilipino upang mas makapagbigay sa mga higit na nangangailangan. Kasabay ng pagsasaayos ng Personal Income Tax (PIT) system, maiiwasan na din ang mga tax leakages at tax avoidance.
Isa lamang iyan sa mga magagawa natin sa pamamagitan ng Comprehensive Tax Reform Program.
Ikinatutuwa ko ding ibalita sa inyo ang ilan sa mga kasisimula at katatapos na proyekto ng DPWH at DOTr na pinangungunahan nila Secretary Mark Villar at Secretary Arthur Tugade.
Nitong nakaraang ika-30 ng Mayo, sinimulan na ang pagtatayo ng dalawang karagdagang estasyon para sa LRT 2, o ang LRT 2 East Extension Project.
Papahabain na ang LRT 2 sa gawing Antipolo: dadagdagan ng Emerald Station, na itatayo sa tapat ng Robinsons Metro East at Sta. Lucia Mall sa Cainta; at ng Masinag Station, na itatayo malapit sa Masinag Junction sa Antipolo.
Sa tulong ng karagdagang mga estasyon na ito, 40 (apa’t na’pu) minuto na lang ang dating tatlong oras na byahe sa bus o sa jeep mula Recto patungong Masinag. Matatapos sa Agosto sa susunod na taon ang proyektong ito.
Samantala, papahabain din ang LRT 2 sa kabilang dako: mula Recto, dudugsungan ito ng mga estasyon patungong Pier 4. Magsisimula ang pagtatayo ng mga estasyon sa Tutubaan, Divisoria, at Pier 4 bago matapos ang taong ito.
Nagbukas na ang NAIA Expressway nitong ika-2 ng Hunyo. Pinagdudugsong nito ang NAIA Terminal 1, 2, at 3, Cavitex, Skyway, at Entertainment City.
Mula sa isang oras na byahe upang makarating mula SLEX papuntang NAIA, ngayon ay 20 (dalawampu) minuto na lamang ang byahe.
Nakumpleto na rin ng DPWH ang feasibility studies para sa pagtatayo ng Metro Cebu Expressway na nagkakahalaga ng P50 (limampu) bilyon, kaya’t masisimulan na ang right-of-way acquisition, kasunod ang mismong pagtatayo ng Metro Cebu Expressway sa susunod na taon.
Sa pamamagitan ng Metro Cebu Expressway, isang oras at 25 (dalawampu’t lima) minuto na lamang ang dating tatlong oras na byahe mula Naga City patungong Danao City.
Para naman sa inyong mga taga-Laguna, sigurado akong matutuwa kayo sa itatayong PNR South Commuter na magpapabilis ng byahe mula Maynila papuntang Los Banos at mga karatig-bayan nito gaya ng Calamba.
Ang PNR South Commuter na may halagang humigit-kumulang na P134 (isang daan tatlumpu’t apat) bilyon ay inaasahang magsisilbi sa 300,000 (tatlong daang libo) na mamamayan araw-araw. Ito ay idudugsong sa PNR North 1 na magkokonekta sa Tutuban at Malolos, PNR North 2 na magkokonekta sa Malolos at Clark, at sa PNR South Long Haul na magkokonekta sa Maynila at Legaspi, Matnog at Batangas City.
Hindi natin mapapagtagumpayan ang ating mga laban kung tayo ay nakatayo at nanonood lamang. Ang tunay na kalayaan at kasarinlan ay hindi basta-bastang ibibigay sa atin. Sa pamamagitan lamang ng masigasig na pagkilos at pagtutulungan natin maaabot ang kalayaan at kasarinlan na pangarap natin.
Ang kalayaan natin at kasarinlan noon ay ipinaglaban ng ating mga ninuno at bayani. Ngayon, tayo naman ang lalaban at kikilos upang ganap na mapalaya natin ang ating bansa mula sa kahirapan, kriminalidad, korapsyon, at sa lahat pa na mga pagsubok na ating kinakaharap.
Maraming salamat at maligayang Araw ng Kasarinlan.
==========================================================
(ENGLISH)
Mayor Justin Marc Chipeco and Vice Mayor Roseller Rizal;
Co-workers in the government; friends and guests;
Good morning and happy 119th Independence Day. I am glad to be part of your celebration here in Calamba City.
We are free today because our forebears fought foreign colonizers 119 years ago. We are free today because they united and took part in realizing one goal.
The freedom we now enjoy was not simply handed over to our ancestors. They acted, fought, and lay down their lives to obtain this freedom.
On Independence Day, we are reminded that in order to achieve genuine peace and freedom, we cannot not act. We cannot be simply standing and watching, waiting on what will happen to our country.
Freedom has different faces. In the past, our ancestors desired freedom from foreign colonizers; now, our country desires freedom from poverty, criminality, corruption, and from many other challenges brought by the changing times.
And like our ancestors, we will fight against the many faces of oppression. Like them, we will unite and take part in achieving our one goal. We will not merely stand and watch, wait for others to move, wait on how things will turn out for our country. We will act and confront poverty, criminality, and corruption. Because freedom from these is not simply handed over to us, we have to fight for it.
I would like to take this opportunity to share with you some of these past few weeks’ proud events demonstrating the continued participation and fight of our citizens, public servants like us, and the government.
In the Development Budget Coordination Committee or DBCC meeting on June 9, the committee forecasts the continued growth of our economy, our stable import, and we can also expect improvement in our export industry.
Furthermore, the growth of our economy is driven by our government’s expansionary fiscal policy, as well as the fast and effective spending for the infrastructure program “Build, Build, Build”, and the programs for our citizen’s education and health.
We can expect that there will be no major obstacle to the development of our country in the next few years. Price of goods may increase, but these will be small and negligible to our citizens.
Next year, on the implementation of the first tax reform package, we are anticipating an increase to P2.841 trillion or 16.3% of GDP in government revenues. We will streamline our revenue program, so that in 2022, the government will obtain a revenue of P4.504 trillion.
As the government enhances its projects and programs for 2018, we will increase our National Budget to P3.767 trillion, or 21.6% of GDP. This is higher than our 2017 budget which is P3.350 trillion.
We are raising the budget for next year as we continue to build and repair our country’s infrastructure: P1.101 trillion or 6.3% of GDP, higher than our budget this year, P847.2 billion which is 5.3% of GDP.
The government has many projects and aspires for higher goals in terms of infrastructure, thus as we approach 2022, we will further hike our budget for infrastructure. We are expecting to spend up to P1.840 trillion in order to build all infrastructure pledged by the government.
I would also like to share about the draft Philippine National Action Plan. Starting last Friday, June 9, the draft Philippine Open Government Partnership National Action Plan can be viewed online.
The National Action Plan contains the government’s commitments towards transparency, giving voice to citizens, battling corruption, and utilizing modern technology for improved governance.
I am inviting you to view and scrutinize the National Action Plan. If there is anything you think needs to be added into these commitments, please communicate this with our Philippine Open Government Partnership Secretariat.
Some of our commitments for 2017 to 2019 are the strengthening of civic participation in local planning and delivery of basic needs and services. This is through the program Assistance to Disadvantaged Municipalities led by the Department of Interior and Local Government or DILG.
The program Gameplan on Competitiveness: Ease of Doing Business, headed by the National Competitiveness Council or NCC, aims to simplify and speed up doing business here in our country.
We also want to improve our government’s capacity to respond to the needs of our people. Thus we have 8888 Citizen’s Complaint Center which is led by the Office of the Cabinet Secretary.
Those are just a few of our commitments in the 2017-2019 National Action Plan. Again, I am inviting you to view and examine our Action Plan.
Last Friday, Brigadier General Padilla assured us that our soldiers continue to counteract against members of the Maute, and that there is a big chance that our AFP will finally liberate the entire city of Maraw on this day of our Independence.
Establishing and maintaining peace in our country is of utmost importance to our government. This has been repeatedly emphasized by President Duterte because peace is the first condition secured when a country desires for development.
Once we regain peace in Marawi, we have programs and projects that are ready to focus on reviving the city, such as the PAMANA Program, or Payapa at Masaganang Pamayanan, which is allocated a budget of P8.1 billion this year. This program provides development interventions, such as community infrastructure, electrification, farm-to-market roads, and irrigation, among others.
On May 3, the House of Representatives passed the Tax Reform Package. This is headed by Department of Finance Secretary Carlos Dominguez III and Undersecretary Karl Kendrick Chua. The swift passage of the Comprehensive Tax Reform shows that this is a priority of the government.
We have been enduring an outdated and backward tax system. Through the Comprehensive Tax Reform, the government aims to raise the take home pay of Filipinos and give everyone equal access to quality education and various other services and opportunities.
Through the Comprehensive Tax Reform, the tax system will be simplified as well as revenue collection. Income tax will be lowered for most of us while the income tax rate of the wealthy upper 1% of the society will be readjusted to allow those who are in need better access to government social services. Along with the readjustment of the Personal Income Tax (PIT) system, we will also avoid tax leakages and tax avoidance.
That is just one of the things we can achieve through the Comprehensive Tax Reform Program.
I am pleased to share with you the recently started and completed projects of the DPWH and DOTr, headed by Secretary Mark Villar and Secretary Arthur Tugade.
On May 30, the government started the construction of two additional stations to LRT 2, or the LRT 2 East Extension Project.
We will extend the eastern end of LRT 2 towards Antipolo: we will add the Emerald Station, located in front of Robinsons Metro East and Sta. Lucia Mall in Cainta; and the Masinag Station, located near Masinag Junction in Antipolo.
Through these additional stations, the usual three-hour bus or jeepney ride from Recto to Masinag will be reduced to 40 minutes. This project will be completed on August next year.
We will also extend LRT 2 on the other end: Recto station will be linked to new stations going to Pier 4. The construction of Tutuban, Divisoria, and Pier 4 Stations will kickoff before this year ends.
We have just opened the NAIA Expressway on June 2. This connects NAIA Terminal 1, 2, and 3, Cavitex, Skyway, and Entertainment City.
The usual one hour travel from SLEX to NAIA is now reduced to 20 minutes.
DPWH has also recently completed the feasibility studies for the construction of Metro Cebu Expressway which costs P50 billion, thus the government can begin the right-of-way acquisition followed by the actual construction of Metro Cebu Expressway next year.
Through the Metro Cebu Expressway, the three-hour travel from Naga City going to Danao City is now just one hour and 25 minutes.
For you who live here in Laguna, I am sure you will be pleased with the PNR South Commuter which is up for construction. This will speed up travelling from Manila to Los Banos and its neighboring towns and cities like Calamba.
The PNR South Commuter, which costs around P134 billion, is expected to serve 300,000 citizens every day. This will be linked to PNR North 1, which will connect Tutuban and Malolos; PNR North 2, which will connect Malolos and Clark; and the PNR South Long Haul, which will connect Manila and Legaspi, Matnog and Batangas City.
We cannot triumph over our battles if we will merely stand and watch. True freedom and independence are not simply delivered to us. Only if we act and cooperation we can achieve the freedom and independence that we desire.
Our forebears and heroes fought for our freedom and independence. Now, it is our turn to move in order to truly free our country from poverty, criminality, and corruption, and from all the challenges that we are facing.
Thank you very much and happy Independence Day.